--Ads--

CAUAYAN CITY  – Maayos at matagumpay na isinagawa ang  1 Million Tree in 1 Day Project ng pamahalaang panlalawigan sa kabundukan sa kahabaan ng Ilagan-Divilacan road sa Sindon Bayabo, Lunsod ng Ilagan.

Daan-daan ang lumahok sa tree planting activity na pinangunahan nina Gov. Rodito Albano at Vice Gov. Bojie Dy kasama ang iba pang opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan,  pamahalaang lunsod ng Ilagan, mga opisyal ng barangay, mag-aaral, kabataan at iba pang sektor.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Albano na maaaring gawin na ng pamahalaang panlalawigan ang tree planting activity bawat anim na buwan para tuluy-tuloy ang  pagtatanim ng mga punla ng kahoy sa mga kabundukan sa Isabela.

Ayon kay Gov. Albano, imomonitor ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) ang mga itinanim na tree seedlings.

--Ads--

Magrerenta rin ng chopper ang pamahalaang panlalawigan para magkaroon ng aerial inspection para makita kung may mga namumutol ng mga puno ng kahoy sa mga kadundukan.

Iginiit ni Gov. Albano na walang illegal logging at kung mayroon mang namumutol ay paisa-isa lamang para gamitin sa pagpapatayo ng bahay.

Nagpasalamat si Gov. Albano sa lahat ng mga nakiisa sa 1 Million Tree in 1 Day Project.

Ang tinig ni Gov. Rodito Albano

Ang Department of Education (DepEd) Isabela ay nakiisa rin sa tree planting activity sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga guro ng mga punla.

Maging ang iba’t ibang bayan sa Isabela ay nagsagawa ng pagtatanim ng mga punla ng kahoy sa kanilang lugar para makamit ang target na isang milyong tree seedling sa loob ng isang araw.

Nagpasalamat din ni Vice Gov. Bojie Dy sa lahat ng mga lumahok sa malawakang tree planting activity sa Isabela.

Ang tinig ni Vice Gov. Bojie Dy