--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto kaagad ang mga pinaghihinalaan na nanghablot ng cellphone ng isang mag-aaral na naglalakad lansangang nasasakupan ng Camacam Street barangay Centro East, Santiago City.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Cauayan, ang biktima ay si Kurt Dela Cruz, 21 anyos at residente ng Barangay Buenavista, Santiago City.

Ang dalawang pinaghihinalaan ay si Arlon San Pedro, 25 anyos, at 16 anyos, kapwa residente ng Barangay Sagana, Santiago City

Sa imbestigasyong isinagawa ng Presinto Uno, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng sumulpot ang mga suspek mula sa kanyang likuran lulan ng isang motorsiklo.

--Ads--

bumaba ang backrider at hinablot ang mamahaling Cellphone ng biktima na agad sumakay sa motorsiklo.

Dahil sa pagpigil ng biktima sa mga suspek ay natumba ang kanilang sinasakyang motorsiklo ngunit nakatakas pa rin patungong barangay Calaocan.

Agad tumugon ang mga pulis at natukoy ang mga suspek na agad dinakip at nakuha sa kanilang pag-iingat ang inagaw na cellphone .

Nasa pangangalaga na ng pulisya si San Pedro habang ipinasakamay na sa CSWD ang menor de edad na suspek.