--Ads--

CAUAYAN CITY -Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang senior citizen na nasa PNP/PDEA Target List na naaresto sa isinagawang drug buy bust operation sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang dinakip ay si Jose Edelito Bicera, 68 anyos, may-asawa, self employed at residente ng Purok 1, Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major George Maribbay, hepe ng Bayombong Police Station na naaktuhan ang suspek na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang PDEA Agent.

Nakuha pa sa pag-iingat ni Bicera ang buy bust money, limang plastic sachet ng hininihinalang shabu, disposable lighter at motorsiklong ginagamit sa kanyang transaksiyon.

--Ads--

Si Bicera ay dati nang nasangkot sa illegal na droga.