--Ads--

CAUAYAN CITY –  Dalawa ang kondisyon ng pamahalaan  kung nais ng Kuwaiti government na bawiin ng ang ipinatutupad na total deployment simula kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na  nagpulong  kahapon ang governing body ng POEA at nagpalabas ng resolusyon na ipatupad agad ang total deployment ban.

Ayon kay Atty. Bello, ipagbabawal ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga household service workers,  skilled workers at professional.  

Ang puwede lang pumunta sa Kuwait ay ang mga skilled workers at professional na magbabakasyon sa Pilipinas  at pinayagan ng employer na bumalik.  

--Ads--

Ayon kay Secretary Bello, maaalis ang total deployment ban kung mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Jeanelyn Villavendo at lumagda ang Kuwaiti government ng  standard employment contract.

Ang hakbang ng pamahalaan ay kasunod ng lumabas na autopsy report ng National Bureau of Investigation (NBI) na ginahasa si Villavendo at nawawala ang ilang  internal organs.

Ayon kay Atty. Bello, nagpunta siya mismo sa lugar nina Villavendo sa Norala,  South Cotabato at nakausap niya ang kanyang mga magulang.

Pinayuhan niya ang mga mamamayan na huwag maniwala sa mga recruiter na nagsasabing  ipapadala sila sa Kuwait dahil kasinungalingan ito bunsod ng ipinatutupad na deployment ban.

Ang tinig ni Labor Secretary Silvestre Bello III