CAUAYAN CITY– Unti-unti ng nakakarecover ang mga hayop na nagtamo ng lapnos ng hanggang 2nd degree burn dahil sa mainit na abo mula sa Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr Noverlee Calub OIC Animal Welfare Unit ng Bureau of Animal Industry (BAI) kanyang sinabi na nasa 80-90% ng maayos ang kondisyon ng mga hayop pangunahin na ang mga livestock na nasa Livestock Emergency Operation Center ng DA sa Lipa City Batangas.
Nagpapatuloy pa rin anya ang isinasagawang pagrescue sa mga hayop na hindi pa naililikas malapit sa danger zone.
Idinagdag pa ni Dr. Calub na mayroong ding grupo ng mga veterinaryo mula sa mga ibang bansa na nagbibigay ng tulong partikular sa mga logistics na kailangan para sa mga hayop.
Pinaplano din anyang magkaroon pang karagdagang emergency operation center para sa paghahanda kung sakaling muling mag- alburoto ang naturang bulkan.
Ayon pa kay Dr. Calub may mga may-ari na ng mga alagang hayup ang nagbebenta na dahil sa takot na matatagalan pa ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.











