CAUAYAN CITY– Inaresto ang isang construction worker matapos mahuli sa aktong pagtutulak ng ilegal na droga sa Purok 4, Plaridel, Santiago City.
Ang suspek ay si Kenjie Cortez, 30 anyos, may-asawa at residente ng nasabing lugar.
Sa pagtutulungan ng Santiago City Drug Enforcement Unit ng Police Station 2 , Santiago City Police Office, City Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay inaresto si Cortez.
Dinakip ang suspek makaraang maaktuhang nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang pulis na poseur buyer .
Dinala ang suspek sa presinto 2 para sa kaukulang disposisyon na kalaunan ay inilipat sa Santiago City Police Custodial Facilty.
Samantala, mariin namang itinatanggi ng suspek na sa galing sa kanyang ang nasamsam na illegal na droga.










