--Ads--
CAUAYAN CITY – Nailabas na ang mandamiento de arresto ng dalawang pinaghihinalaan na kabilang sa number 1 most wanted person municipal level sa pagpatay kay Dating LMB President Napoleon Hernandez ng San Mateo, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Major Jeffrey Raposas, hepe ng San Mateo Police Station, sinabi niya na nagsasagawa na sila ng manhunt operation laban sa mga pinaghihinalaan.
Samantala patuloy pa rin ang pangngalap nila ng mga impormasyon at ebidensiya na maidadagdag sa mga nakalap na circumstancial evidence na maaaring maikonekta sa pagpatay kay dating LMB President Hernandez.
Sa katunayan aniya ay beneberipika nila ang impormasiyon na natanggap nila kung saan maaaring nagtatago ang mga Gunman.
--Ads--










