--Ads--

CAUAYAN CITY- Namatay ang isang pasahero ng tricycle at nasugatan ang anim na iba pa kabilang ang dalawang bata sa naganap na banggaan ng pampasaherong bus at tricycle sa Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMsgt. Dennis Estrada, tagasiyasat ng Aritao Police Station na ang nasawi sa aksidente ay si Jen Gallardo Pantig at nasugatan ang anim na iba pang sakay ng tricycle kabilang ang dalawang batang edad dalawa at tatlo na nasa kritikal na kondisyon na pawang residente ng Aritao, Nueva Vizcaya

Ang batang babae na edad dalawa ay anak ng nasawi at ang tatlong taong gulang na batang lalaki ay kanyang pamangkin.

Ilan pa sa mga nasugatan ay nakilalang sina Marie Liza Garcia,Marlyn Castillo Delia Balgos at ang tsuper ng tricycle na si Rolando Abenojar na pawang residente ng Aritao, Nueva Vizcaya.

--Ads--

Ang nagmamamenho naman ng Florida bus ay si Guilbert Taguba Domingo, 59 anyos , residente ng Gattaran, Cagayan

Inihayag ni PMSgt Estrada na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na habang tumatakbo ang tricycle ay mayroong nag-overtake na closed van.

Matapos mag-overtake ng closed van ay biglang nagpreno kaya para umiwas ang sumusunod na tricycle at napunta sa kabilang linya ngunit eksaktong paparating ang Florida Bus sanhi para magkabanggaan

Dahil sa lakas ng banggaan ay nahulog ang mga nakasakay sa likuran ng tsuper ng tricycle at naipit naman ang mga sakay sa loob na nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang mga pasahero ng tricycle.

Dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas si Jen Gallardo Pantig

Tinig ni PMSgt. Dennis Estrada, investigator ng Aritao Police Station

Kasalukuyan pa ang ginagawang pagsisiyasat ng Aritao Police Station sa nasabing aksidente.