--Ads--

CAUAYAN CITY – Apektado na ang biyahe ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) mula Hongkong patungong Pilipinas dahil sa mga kanseladong flight dulot ng 2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Gigi Arquero, tubong City of Ilagan at isang OFW sa HongKong, dalawang beses na siyang nagpabalik-balik sa International Airport sa HongKong ngunit kanselado ang kanyang flight patungong Maynila.

Sinabi niya na tapos na ang kanyang kontrata ngunit nagkaroon siya ng panibagong employer kaya kailangan lamang niyang umuwi upang maka-exit bago siya muling bumalik ng HongKong para magtrabaho.

Mayroon din anyang 20 senior Citizens na American-Filipino Citizen na galing sa Los Angeles, California sa Amerika ang stranded ngayon sa HongKong International Airport dahil hindi pinapayagang makabiyahe patungong Pilipinas.

--Ads--

Naghihigpit na rin ang pamahalaan ng HongKong sa kanilang mga mamamayan upang hindi mahawaan ng 2019-nCoV.

Hindi na rin pinapalabas ng mga employer ang mga OFW upang magday-off.

Sa ngayon ay umaasa si Arquero na makakauwi sa bansa at hinihintay na lamang kung mayroong flight patungong Pilipinas.

Tinig ni Gigi Arquero, isang OFW sa HongKong.