--Ads--

CAUAYAN CITY –  Labis na nagpapasalamat ang pamunuan ng Bombo Radyo Cauayan sa Outstanding Stakeholder of the Year award  na iginawad kasabay ng  9th Founding Anniversary ng Tactical Operations Wing Philippine Air force Northern Luzon.

Ito ang awarding ceremony ay ginanap kaninang alas nuebe ng umaga  sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga at naging panauhing pandangal si  Major General Joselito  Ramos, Commander ng Tactical Operations Command ng Tactical Operations Wing Philippine Air force Northern Luzon.

Ang tumanggap ng Plaque of Appreciation  ay si  Bombo Exiquiel Quilang, Chief of Anchormen ng Bombo Radyo Cauayan.

--Ads--

Nakatunggali ng Bombo Radyo Cauayan sa pagkamit sa nasabing parangal ang  Brigada News FM at RMN sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay  Lt. Col. Augusto Padua, Commander ng Tactical Operations Group 2 sa Cauayan City,  sinabi niya na na-nominate bilang Outstanding Stakeholder of the Year ang Bombo Radyo Cauayan dahil sa dedikasyon ng  pagpapaabot ng mga makatotohanang impormasyon sa publiko.

Ang tinig ni PLt. Col Augusto Padua