--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumasok na ang National Bureau of Investigation (NBI) Isabela sa imbestigasyon sa pagdukot sa tatlong trabahador ng isang negosyante sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni NBI Provincial Director Tim Rejano na agad silang kumilos matapos na dumulog sa kanila ang pamilya ng mga biktima na sina Alfredo Francisco, Jill Gazzingan at Joseph Allissin, pawang residente ng Cauayan City.

Sinabi ni Rejano na nagtataka sila kung bakit ang tatlo lamang mula sa 11 na trabahador ang dinukot ng mga armadong sasakyan noong February 6, 2020 sa Sta.Rita, Aurora, Isabela.

Sinabi pa niya na sa pagtatanong nila sa pamilya ng mga biktima kung bakit pinag-interesan na dukutin ang tatlo ay may isang anggulo na kanilang susundan sa paglutas sa pagdukot.

--Ads--

Mayroon na silang nakikitang anggulo na maging gabay sa imbestigasyon at posibleng sa susunod na linggo ay mayroon na silang ipapatawag na person of interest.

Ayon pa kay Provincial Director Tim Rejano, may direktang ugnayan sila kay Provincial Director PCol Mariano Rodriguez ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) hinggil sa pagsisiyasat sa pagdukot sa tatlong trabahador.

Depende aniya sa makukuha nilang mga ebidensiya sa time frame ng kanilang paglutas sa kaso.

Ang isa sa mga suspek na inilarawan ng mga testigo na matangkad at mahaba ang buhok ay namonitor na nila noong pang 2016 elections.

Samantala, wala pang malinaw na gabay ang Special Investigation Task Group (SITG) ng IPPPO sa pagdukot sa mga biktima.

Ang tinig ni NBI Provincial Director Tim Rejano

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PLt Col. Ronald Laggui, spokesman ng SITG, sinabi niya na nagkaroon ng case conference kahapon tungkol sa kidnapping case.

Inamin niya na medyo nahihirapan sila sa pagtukoy sa motibo sa pagdukot sa mga biktima.

Wala pang na-establish na anggulo bagamat tinitingan kung may kaugnayan sa trabaho at kung may nakaaway ang mga biktima.

Ayon kay PLt Col. Laggui, ipapatawag nila ang mga kapamilya ng tatlo para malaman ang kanilang background tulad ng mga nauna nilang trabaho, kung bukod sa Cauayan City ay nanirahan sila sa ibang lugar at kung may record sila sa illegal na gawain.

Naantala aniya ang paglatag ng checkpoint para sana mahuli ang mga suspek dahil higit isang oras na ang nakalipas nang magsumbong sa Aurora Police Station ang kapatid ni Francisco na kasama sa mga hindi dinukot ng mga suspek.

Ayon kay kay PLt Col, Laggui, sisikapin nila na malutas ang kidnapping case bago mabuwag ang SITG pagkatapos ng anim na buwan.

Ang tinig ni PLt Col. Ronald Laggui ng IPPO