--Ads--

CAUAYAN CITY – Aalagaan ng mga kawani ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa Sillawit, Cauayan City ang sisiw ng serpent eagle na ipinasakamay kahapon, February 19, 2020 ng Bombo Radyo Cauayan.
Ang agila ay ipinasakamay sa Bombo Radyo Cauayan ng nakahuli mula sa Echague, Isabela para maipasakamay sa Department of Natural Resources (DENR).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan ni CENRO Nelson Acob, sinabi niya na kailangan ang masusing pag-aalaga sa sisiw ng agila dahil kailangan pang isubo ang kanyang pagkain.
Kapag nakarecover na ang ibon at medyo malaki na ay pakakawalan na sa kanyang natural habitat .
--Ads--












