CAUAYAN CITY– Nasa kasagsagan na ng pagsasanay ng kauna unahang kandididata ng lalawigan ng Kalinga sa Miss Universe Philippines.
Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Bb. Noreen Victoria Mangawit, 21 anyos, tubong Pinukpuk, Kalinga ngunit naninirahan ngayon sa Tabuk City, Kalinga na puspusan ngayon ang kanilang inhouse training bago ang pagsabak sa nasabing patimpalak pagandahan.
Bukod sa ginagawa niyang inhouse training ay mayroon ding ginagawang pagsasanay ang kanyang team upang mapagbuti pa ang kanyang performance dahil baguhan pa lamang siya sa patimpalak pagandahan.
Sinabi pa ni Bb Mangawit na natutuwa siya na kasama siya sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines na kakatawan sa lalawigan ng Kalinga.
Bilang kandidata ng lalawigan ng Kalinga ay maipapakita niya rito ang kagandahan ng mga Y-kalinga hindi lamang sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob at maipagmamalaki din niyang ibahagi ang kultura na taglay ng Y-Kalinga.
Si Bb. Noreen Victoria Mangawit ay nagtapos ng Bachelor’s of Arts and Social Sciences Major in Economics sa University of the Phils. (U.P. Baguio City) at kasalukuyang nagtatrabaho bilang Presidential Staff Officer sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.