--Ads--

CAUAYAN CITY – Iminungkahi ng isang human rights Lawyer sa United Kingdom ang pagtatalaga ng pamahalaan ng Pilipinas ng mga ahensiyang magmomonitor sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa iba’t ibang panig ng mundo sa kasagsagan ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa United Kingdom ay umabot na sa halos 5,000 ang naitalang nasawi sa COVID-19 at mahigit 200 sa nasabing bilang ay mga Filipino frontliners.

Tinatayang aabot na sa mahigit 700 Filipino frontliners na nagtatrabaho sa mga nursing homes at ospital sa United Kingdom ang naitalang nagpositibo sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Girlie Manalo Gonito, human rights Lawyer sa London, founder ng OFW UK International Friendship Association at tubong Echague, Isabela, sinabi niya na doble ngayon ang hirap ng kalagayan ng nasa 300,000 na OFW sa United Kingdom dahil sa COVID-19.

--Ads--

Ayon kay Atty. Gonito, ang nasabing bilang ng mga nasawing Filipino dahil sa COVID-19 ay hindi namomonitor ng embahada ng Pilipinas dahil sa kakulangan ng pondo at pasilidad.

Maraming OFW aniya ang hindi nakakahingi ng tulong sa pamahalaan ng United Kingdom pangunahin na ang mga Filipino na may problema sa kanilang mga dokumento.

Ilan sa kanila ang ipinapasakamay niya sa Salvation Army na isang international human rights organization na tumutulong sa mga nabibiktima ng sakuna gaya ng COVID-19.

Ayon kay Atty. Gonito, bilang isang human rights lawyer tanging naitutulong niya ay ang pagbibigay ng libreng legal assistance at pakikipag-ugnayan sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para maiparating ang hinaing ng maraming Ofw.

Ang tinig ni Atty. Girlie Manalo Gonito