--Ads--

CAUAYAN CITY  –  Nagluluksa ang mga kapamilya ng isang laborer na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng mangga sa kanilang bakuran sa Nabuan, Santiago City dahil umano sa love triangle.

Ang nagpakamatay ay si Donnie, di tunay na pangalan, 25 anyos, may kinakasama at  residente ng nabanggit na Barangay.

Sa imbestigasyon ng mga miyembro ng   Presinto 1 ng Santiago City Police office (SCPO), nakipag-inuman pa si Donnie sa kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay sa kabila ng liquor ban dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Matapos ang kanilang inuman ay hindi na nakita ang laborer.

--Ads--

Labis na nagulat ang mga kapamilya ni Donnie nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan na nakabitin sa sanga ng mangga sa kanilang  bakuran. 

Problema umano  sa pag-ibig ang nakikitang dahilan ng mga otoridad sa pagpapakamatay ni Donnie dahil sinasabing may karibal siya sa kanyang kinakasama.