--Ads--

CAUAYAN CITY – Naipadala na kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 800 million pesos na ibibigay na cash assistance sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naglaan ang pamahalaan ng 1.5 billion pesos na cash assistance para sa mga OFW’s na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Kalihim Bello, 200 dollars o 10,000 pesos ang ibibigay na cash asssistance sa mga OFW’s sa Rome, Italy; Madrid, Spain; Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia; Kuwait; Qatar; Bahrain at Oman.

Ibibigay ng mga labor attache sa naturang mga bansa ang cash assistace sa mga OFW’s sa pamamagitan ng online system.

--Ads--

Sa pagtaya ni Kalihim Bello ay 150,000 ang mga OFW’s na nawalan ng trabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa COVID 19.