--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi ramdam ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Israel ang epekto ng pagbabayad nila ng kontribusyon sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) dahil mayroon silang binabayarang health insurance para sa kanilang kalusugan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bb. Catherine Tañon, caregiver sa Israel,  sinabi niya na hindi rin nila nagagamit ang Philhealth tuwing umuuwi sila sa Pilipinas dahil sa walang ibinibigay na annual check up ang ahensiya  para sa mga OFW.

Sa Israel aniya ay mayroon silang taunang check up at 3 shots ng anti-flu vaccine na coverage ng kanilang binabayarang health insurance.

Para sa kaniya ay sapat na ang 2,400 pesos na taunang kontirbusyon at hindi na magiging makatarungan  kung itataas pa ito lalo  na sa mga OFW na hindi kataasan ang sahod at may binabayaran na utang.

--Ads--

Aniya, dapat ay ikinunsidera muna ng Philhealth ang ilang mga bagay bago ipinatupad ang karagdagang 3% na pagtaas ng kontribusyon.  

Mas maganda aniya na magpatupad ang pamahalaan ng dagdag na benepisyo para sa mga OFW’s sa halip na dagdag na PHilhealth contribution.

Ang tinig ni Bb. Catherine Tañon