--Ads--

CAUAYAN CITY – Dahil sa pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga sa Rehiyon dos, matagumpay na nadakip ng mga pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP ang dalawang PDEA regional Target listed.

Nadakip ng mga operatiba ng PDEA Isabela at Nueva Vizcaya Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, Isabela Police Provincial Office at Regional Police Drugs Enforcement Unit Isabela sina John Steven Solomero Alyas John, PNP HVI Regional Priority Target Listed at PDEA Provincial Target Listed, 27-anyos helper at Syeve Solomero Jr., 22-anyos, binata, estudyante na kapwa residente ng Purok 2 Guibang, Gamu, Isabela matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng iligal na droga sa Purok 1, Diversion road, Guibang, Gamu, Isabela.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga pinaghihinalaan ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang libong piso kasama ang pitong pirasong boodle money na ginamit sa transakiyon, isang pakete ng sigarilyo na naglalaman ng labintatlong pakete ng hinihinalang shabu at isang unit ng motorsiklo na ginamit ng mga pinaghihinalaan.

Sa ngayon ay nakahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 kaugnay sa Section 26 Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive dangerous drugs act of 2002) ang dalawang pinaghihinalaan.

--Ads--