
CAUAYAN CITY – Inamin ni Labor Secretary Silvestre Bello na problema ngayon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang pag-asikaso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Riyadh, Saudi Arabia matapos tamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang anim na empleado.
Tinamaan ng COVID-19 ang dalawang welfare officer at apat na administrative staff kaya sila ay naka-quarantine.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na hindi tinamaan ng virus si Labor Attache Nasser Mustafa ngunit naka work from home.
Ayon kay Atty Bello, nasa skeletal force ang Polo sa Riyadh para maasikaso ang mga dumudulog na OFW’s subalit pinayuhan niya ang mga empleado na limitahan ang pagpapasok sa kanilang opisina para hindi mahawaan ang mga OFWS.










