--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi nakikitaan ng sintomas at nasa maayos na kalagayan ng isang Overseas Filipino Worker (Ofw) na dumating sa San Fabian, Echague Isabela na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) at kasalukuyang ginagamot sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni  Dr. Jose Ildefonso Costales, Medical Center Chief ng SIMC , sinabi niya naka-quarantine na sa isolation ward ang pasyente.

Bagamat asymptomatic dahil walang nararamdamang sintomas ay minomonitor ang kanyang vital signs.

Sinabi ni Dr. Ildefonso na matapos ang 14- days na  mandatory quarantine ay muling isasailalim sa swab test para matiyak na ligtas na siya sa virus.

--Ads--

Lahat ng  kanyang pangangailangan ay ibinibigay  ng SIMC at palaging nililinis ang kinaroroonang isolation ward.

Ang pahayag ni Dr. Jose Ildefonso Costales

Samantala, inihayag ni Dr. Costales   na tumatanggap pa rin ang SIMC ng mga regular check-up na may follow-up check-up schedule habang ang mga walk-in check-up ay  kanila pa ring sinusuri  at magtatakda ng follow up check-up

Wala aniyang dapat ikatakot ang mga gustong pumunta sa ospital basta sundin lamang nila ang mga panuntunan o health protocols.