
CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga otoridad ang isang welder matapos maaktuhang nagtututlak ng iligal na droga sa Rizal, Santiago, City.
Ang pinaghihinalaan ay si Edmar Quibuyen, 25-anyos, binata, welder at residente ng nasabing Barangay.
Agad na dinakip ng mga otoridad si Quibuyen sa isinagawang buy bust operation matapos na maaktuhang nagtutulak ng isang pakete ng hinihinalang Shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng isang libong piso na buybust money.
Napag-alaman na bago ang pinaghihinalaan sa kalakaran ng iligal na droga sa bagamat nasangkot na sa ibang kaso.
Paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek na dinala na sa Presinto uno para sa kaukulang Doumentasyon at disposisyon.









