--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinailalim sa calibrated lockdown  ang Purok 5, Purok 6 at bahagi  ng Purok 4 sa Barangay Mabini, Santiago City sa loob ng tatlong araw para sa malawakang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Inihayag ni Mayor Joseph Tan ng Santiago City na simula alas sais kagabi, June 23, 2020  hanggang sa June 26, 2020 sa bisa ng Executive Order (EO) 2020-06-02 ay ipaiiral ang calibrated lockdown upang maisagawa ang mass testing.

Naghahanda na ang pamahalaang lunsod ng mga relief goods na ipapamahagi sa mga residenteng apektado ng lockdown.

Ayon kay Mayor Tan, hindi ipinatupad ang lockdown sa barangay Mabini dahil sa centro ang lugar ng ilang malalaking negosyo sa Santiago City kaya tinututukan na lamang ang mga purok na maaring inikutan ng mga COVID-19 positive patient.

--Ads--

Isinailalim din sa building lockdown ang tindahan at bodega sa Centro East, Santiago City at ilan pang puwesto na may direct contact si CV35.

Ayon kay Mayor Tan, isinailalim sa rapid test at swab Ttst ang lahat ng mga kawani ng nasabing mga bahay kalakal .

Tinatayang nasa 110 ang sumailalim sa rapid test habang tatlo ang sumailalim sa RT-PCR swab test para matiyak  na hindi nahawaan ng virus ang  mga nakasalamuha ng COVID-19 positive.

Pansamantalang tumigil sa operasyon  ang isang bahay kalakal sa  Dubinan East, Santiago City at isang karinderya sa pamilihang lunsod dahil doon nagtatrabaho ang mga anak ni CV48.

Ang pahayag ni Mayor Joseph Tan