--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naglakad ng dalawang araw matapos tumakas  sa  kanilang kuta at sumuko sa Divilacan Police Station sa Divilacan, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt Mario Discipulo, hepe ng Divilacan Police Station, sinabi niya na batay sa kuwento ng sumukong rebelde na si Ka Del, hinikayat siya noong Nobyembre 2019 na sumapi sa rebeldeng grupo.

Pinangakuan siya umano ng magandang buhay ngunit hindi ito nangyari dahil nagtiis siya ng mahirap na buhay sa kabundukan at kung minsan ay wala silang makain.

Sinabi pa ni PCapt Discipulo na noong buwan ng Marso ay nakakuha ng pagkakataon na tumakas si Ka Del at naglakad ng dalawang araw para umuwi sa Divilacan, Isabela.

--Ads--

Sinabi pa ni Ka Del na mayroon pa siyang mga kasamahang rebelde na nais nang sumuko sa pamahalaan ngunit  nangingibabaw ang kanilang takot sa tropa ng pamahalaan.

Dahil dito ay hinikayat ni PCapt Discipulo ang mga rebelde na huwag matakot na magbalik-loob sa pamahalaan dahil nakahanda silang tumulong para bumalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Ang pahayag ni PCapt Mario Disipulo