--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiningan ng opinyon ng Office of the President ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kaugnay sa Anti-Terrorism Bill.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Domingo Cayosa, presidente ng IBP national chapter, sinabi niya na nakatanggap sila ng sulat mula sa Office of the President at hiniling ang kanilang komento at rekomendasyon tungkol sa nasabing kontrobersiyal na panukalang batas.

Dahil dito, inilahad nila ang ilang probisyon ng panukalang batas na sa tingin nila ay posibleng maging kwestiyonable dahil hindi sang-ayon sa mga probisyon ng Saligang Batas.

Una na rito ang section 29 na nagbibigay ng karapatan sa mga pulis at sundalo na mag-aresto at magkulong sa sinumang mapagsuspetsahang terorista ng 14 hanggang 24 na araw.

--Ads--

Ayon kay Atty. Cayosa, batay sa Konstitusyon, ang puwede lamang na magbigay ng kautusan na umaresto at magkulong ay ang korte.

Pangalawa, dapat bago tanggalan ng kalayaan o kunin ang ari-arian ng isang pinaghihinalaang terorista ay mabigyan muna ng karapatan na masagot ang mga paratang sa kanya.

Ayon kay Atty. Cayosa, nakalagay sa section 25 ng Anti-Terrorism Bill na sinumang mapagsuspetsahang terorista ng Anti-Terrorism Council na binubuo ng walong cabinet members ng pangulo at ng executve director ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ay puwede nang dakpin at puwede na ring i-freeze ng AMLC ang kanyang mga ari-arian.

Dapat aniya ay mabigyan muna sila ng pagkakataon na magpaliwanag.

Pangatlo ay ang pagpayag sa sinumang kinasuhan na terorista na magpiyansa subalit isasailalim naman sa house arrest.

Panghuli ay ang nakalagay sa section 4 pangunahin na sa A, B, at C, na lahat ng gawain na sa tingin ng mga pulis ay hindi makapagdudulot ng maganda ay puwede nang hulihin at kasuhan.

Umaasa ang IBP na pag-aralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang mga probisyon ng Anti-Terroism Bill.

Ang pahayag ni IBP President Domingo Cayosa