--Ads--
Alicaocao overflow bridge in Cauayan City

CAUAYAN CITY – Pansamantalang isasara simula bukas, Huwebes, July 9, 2020   ang Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City para sa pagsasaayos na isasagawa ng City EngineerinG Office.

Sa pulong  na pinangunahan ni Cauayan City  Engr. Edward Lorenzo ay napagkasunduan ang nasabing petsa na pagpapasara para sa  pagsasaayos sa overflow bridge.

Maglalagay sila ng sidewalk na maaaring daanan ng mga taong tatawid sa tulay subalit  maaari lamang itong magamit pagkatapos ng dalawang araw.

Pagkatapos  ng 14 na araw ay papayagan na ang pagdaan ng mga motorsiklo at tricycle.

--Ads--

Kailangan  nilang patayin ang makina ng motorsiklo at tricycle kapag nakarating sa bahagi ng aayusing tulay upang hindi ito  maging sanhi ng vibration.

Pagkatapos  ng 28 na araw  ay papayagan na ang  pagdaan sa tulay  ng mga 4 wheels na sasakyan.

Samantala, pinag-usapan  din ang minimum na pasahe na sisingilin ng mga  tricycle driver sa kanilang mga pasahero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sangguniang  Panlunsod Member  Telesforo  Mallillin,  sinabi niya na mula sa poblacion hanggang Alicaocao overflow  bridge ay 20 pesos ang pasahe gayundin ang mula sa tulay patungo sa East Tabacal region.

Kailangang  sundin ang panuntunan  na isang pasahero   lamang ang maaaring isakay ng tricycle upang masunod ang social distancing.