
CAUAYAN CITY – Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health (DOH) region 2 na wala pang local transmission ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa ikalawang rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Riio Magpantay ng DOH region 2, tiniyak niya na wala pang local transmission sa rehiyon dahil karamihan sa mga COVID-19 positive ay mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) at Locally Stranded Individual (LSIs).
Karamihan sa kanila ay hindi alam kung paano nahawa sa sakit kaya ang inaalam na lamang ng DOH ay kung may mga nakasalamuha sila sa pag-uwi sa rehiyon o mga nakasama sa quarantine facility para matiyak na hindi kumalat ang COVID-19 sa rehiyon dos.
Umaasa ang DOH na walang mangyayaring local transmission sa region 2 kaya pinaalalahanan ang mga mamamayan na manatiling sumunod sa mga health protocols para maging ligtas sa virus.










