--Ads--
Divilacan, Isabela

CAUAYAN CITY – Tutulungan ng pamunuan ng Divilacan Police Station ang dalawang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na nahimok nilang sumuko sa pamahalaan na makakuha ng benepisyo sa pamahalaan sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  PCapt Mario Discipulo, hepe ng Divilacan Police Station na ang dalawang sumuko, 16 anyos ang isa ay naging miyembro ng grupo ng mga rebelde na kumikilos sa Divilacan, City of Ilagan at iba pang lugar sa Isabela.

Narecruit umano ng mga NPA sina alyas Gerald at alyas Lester noong Nobyembre 2019.

Sila ay nasa Rang-ayan, City of Ilagan noong Marso 2020  nang tumakas sila mula sa kanilang grupo dahil nahihirapan na sila sa pagtatago sa mga kabundukan at madalas ay  dalawang beses lang sila kumain.

--Ads--

Bumalik ang dalawa sa kanilang pamilya sa Divilacan, Isabela ngunit nagtago sila para hindi sila matunton ng mga dating kasama.

Ayon kay PCapt. Discipulo, hinimok nila ang dalawa na sumuko sa kanila para matulungan silang makakuha ng benepisyo sa pamahalaan para sa kanilang pagbabagong buhay.

Walang kinuhang gamit ang dalawa sa kanilang pagtakas tulad ng baril para maiwasan umano na maging mitsa ito ng kanilang buhay.

Ang pahayag ni PCapt Mario Discipulo