--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang helicopter ang bumagsak habang pa-take-off sa Tactical Operations Group 2 dito sa Cauayan City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Michelle Florendo, may-ari ng isang canteen malapit sa Tactical Operations Group 2 na kumakain sila nang mapakinggan nila ang malakas na pagsabog.

Noong tinignan anya nila ang pinagmulan ng pagsabog ay nakita na lamang nilang may makapal na usok.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Bombo Radyo Cauayan ay nagkakaroon ng night test flight ang mga chopper ng TOG 2.

--Ads--

Sa pagtungo ng Bombo News Team sa nabanggit na lugar ay nakita ang chopper na may tail number 8308 ng TOG 2 na nasusunog.

Lima ang sakay ng nasabing chopper na kinabibilangan ng 2 piloto, 2 crew at isang pasahero

Kaagad na tumugon ang mga kasapi ng Rescue 922 at inaapula na ng mga kasaspi ng BFP Cauayan City ang nasusunog na helicopter.

Sinisikap na ng Bombo Radyo na makuhanan ng pahayag ang mga opisyal ng TOG 2 na nagpapatupad ngayon ng mahigpit na seguridad sa nabanggit na tanggapan.