--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinakay sa Philippine Air Force (PAF) transport plane C295 at dinala sa Clark Air Base sa Pampanga ang apat na nasawi sa pagbagsak ng Huey Helicopter sa compound ng Tactical Operations Group 2 (TOG2) sa San Fermin, Cauayan City.

Inilabas kahapon ng pamunuan ng TOG2, PAF ang pangalan ng apat na nasawi at isang malubhang nasugatan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kay Col. Augusto Padua, Commander ng TOG2, PAF, kinilala niya ang mga nasawi na sina Major Christopher Caesar Urbano, piloto na residente ng Lingayen, Pangasinan; ang kanyang co-pilot na si Capt. Feorelio Bernardo na residente ng Naga City; ang observer na si 1st Lt. Mike Tuesday Tabigne, residente ng Butuan City, Agusan del Norte ; isa pang crew na si Staff Sgt. John Christopher Taguiam ng Cabanatuan City, Nueva Ecija at ang nakaligtas na si Airman 1st Class Jerry Aviles Jr., residente ng Floridablanca, Pampanga.

Ang nakaligtas na si Aviles ay nakatakdang dalhin sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

--Ads--

Inihayag pa ni Col. Padua na hindi nila agad inilabas ang pangalan ng mga biktima dahil kailangan munang ipabatid sa kanilang pamilya.

Tinig ni Col. Augusto Padua