CAUAYAN CITY -Mahaharap sa kaasong pagalabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang isang laborer matapos arestuhin dahil sa pagtutulak ng iligal na droga sa Purok Ozanam, Banganan, Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang suspek ay si Albert Ramos, 36 anyos , may asawa, isang laborer at residente ng Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya.
Ang magkasanib na puwersa ng Municipal Drug Enforcement Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, PDEA region at Aritao Police Sation sa pangunguna ng hepe na si PCaptain Oscar Abrogena ang nagsagawa ng operasyon para madakip si Ramos na nagtangka pang tumakas
Nasamsam sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang Shabu, matapos makipag-transaksiyon sa Poseur Buyer kapalit ng Limang daang piso.
Bukod sa dalawang sachet ng hinihinalang shabu ay nasamsam din sa pag-iingat ng pinaghihinalaan dalawang sachet naman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, animnaraang piso at isang cellphone na hinihinalang ginagamit nito sa kanyang transaksyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Captain Abrogena, sinabi niya na matagal na nilang minamanmanan ang pinaghihinalaan sa umanoy illigal nitong aktibidad at minsan na ring nasangkot sa pagnanakaw .
Mailap din anya ang suspek at sinubukan din ng mga awtoridad na isailalim sa oplan tokhang ngunit naging mailap kaya naman nagsagawa na lamang ang pulisya ng operasyon .











