--Ads--

CAUAYAN CITY -Arestado ang isang meat vendor na DI Listed sa isinagawang Drug buy-bust Operation ng mga kasapi ng Ramon Police Station sa Purok 6, Bugallon Norte, Ramon, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Philip Cairel, 31-anyos, may asawa, meat vendor at residente ng Purok 5, Bugallon Norte, Ramon Isabela.

Nagsagawa ng Anti-Illegal Drug buy-bust Operation ang mga kasapi ng Ramon Police Station katuwang ang PDEA Region 2 laban sa pinaghihinalaan na nagresulta ng kanyang pagkakadakip habang binebentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang limang daang piso na buy-bust money, isang cellphone at isang motorsiklo.

--Ads--

Dinala na sa Ramon Police Station ang pinaghihinalaan maging ang mga nakumpiskang ebindensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Samantala, dinakip din ang isang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga kasapi ng Cabatuan Police Station.

Ang dinakip ay si Cristopher Maramba na residente ng Luzon, Cabatuan.

Nabili sa kanya ng nagpanggap na poseur buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang nakuha rin sa kanyang pag-iingat ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu at dalawang libong piso.

Ayon sa PNP Cabatuan, matagal na nilang sinusubaybayan ang pinaghihinalaan.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag si Maramba tungkol sa pangyayari.