--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang  lalaki matapos umanong manlaban sa isinagawang drug buy-bust operation  kaninang  alas dos ng madaling araw  sa Cabaruan, Cauayan City.

Ang  napatay ay si  Zenus Dela Cruz, nasa tamang edad at residente ng  Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.

Ang mga  operatiba ng Cauayan Police na pinamumunuan ni  PLt Col. Gerald Gamboa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ay nagsagawa ng  drug buy-bust operation na nagbunga umano ng palitan ng putok at nasawi ang suspek.

Ang pulis na nagpanggap na poseur/buyer ay nakabili umano kay Dela Cruz ng isang  heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng  white crystalline substance na hinihinalang  suspected methamphetamine hydrochloride o Shabu.

--Ads--

Nakatunog umano si Dela Cruz na pulis ang kanyang katransaksiyon kaya binunot ang kanyang baril at nagpaputok habang nasa loob ng kanyang Toyota Corolla Sedan na may  plate number  TFW 843.

Nakaganti umano ang mga pulis at pinaputukan ang suspek.

Tumugon ang mga miyembro ng   Rescue 922 at dinala si Dela Cruz sa  Cauayan City District Hospital ngunit idineklarang dead on  arrival  ng   attending physician.

Ang mga miyembro ng  Scene of the Crime Operatives (SOCO) Cauayan City ay nagsagawa  ng   crime scene process.