--Ads--

CAUAYAN CITY – Ginagamot sa ospital ang isang anak matapos tagain ng kanyang ama sa Echague, Isabela.
Dakong alas tres kahapon, August 3, 2020 nang magtalo ang mag-ama na humantong sa pananaga ng suspek sa likod ng kanyang anak.
Agad na dinala sa Echague District Hospital ang biktima para malapatan ng lunas habang dinakip ng mga otoridad ang suspek na nakapiit ngayon sa Echague Police Station.
Sinabi ng nanay ng biktima na kakasuhan nila ang kanyang mister dahil madalas silang saktan tuwing siya ay nasa impluwensiya ng alak.
--Ads--










