--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaayos na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-uwi sa August 20, 2020 ng bangkay ng tatlong OFW’s na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon noong Martes, August 4, 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na iuuwi ang bangkay ng tatlong OFW’s sa pamamagitan ng chartered flight.

Ayon kay Bello, umakyat na sa tatlo ang nasawi matapos na sumakabilang buhay ang isa pang malubhang nasugatan na si Milagros Sumaculob.

Kabilang sa mga nasawi ang tubong Benito Soliven, Isabela na si Perlita Mendoza.

--Ads--

Sinabi pa ni Kalihim Bello na ang pamilya ng mga biktima ay mabibigyan ng 120,000 na bereavement benefits at kung mayroon silang Overseas Employment Certificate (OEC) ay mabibigyan sila ng dagdag na 10,000 dollars sa benepisyo.

Ayon pa kay Atty. Bello, posibleng isama sa chartered flight ang mga OFW’s sa Lebanon na gusto nang umuwi.

Binanggit ng kalihim na ang 12 seafarers na tumalon mula sa isang cruise ship ay nasa maayos nang kalagayan.

Ang dalawa sa kanila na nagtamo ng malubhang sugat ay nasa ospital pa habang ang mga nakalabas na sa ospital ay tumuloy sa New Orient Hotel at inaasikaso ng pinaglilingkuran nilang kompanya.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III