--Ads--

CAUAYAN CITY– Pinaghahanap ng mga rescue team sa tatlong kabataan na nalunod sa Cagayan River sa Baringin Norte, Cauayan City hapon ng August 7, 2020.

Ang mga pinaghanap ng mga opisyal ng barangay at miyembro ng Rescue 922 ay sina Precious Calati, 13 anyos; Jessa Ballad, 15 anyos at Nerish Domingo, 15 anyos at pawang residente ng Cauayan City.

Ang kasama ng tatlong dalagita na nagtungo sa ilog ay sina Joylyn Taguinod, 13 anyos; Crismark Taguinod, 15 anyos at isang residente ng Duminit, Cauayan City

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Barangay Kapitan Jordan Mallillin ng Baringin Norte, Cauayan City, nagtutulungan ngayon ang mga opisyal ng barangay at kasapi ng Rescue 922 para sa paghahanap ng mga mag-aaral na nalunod.

Naliligo ang tatlong dalagita at napunta sila sa malalim na bahagi ng ilog sanhi para sila ay malunod.

Ang tatlo pang mga kabataan ay hindi na naligo ngunit pinagsabihan ang mga naliligo na iwasan na magpunta sa malalim na bahagi ng ilog ngunit kanilang sinabi na kayang kaya nila ito.

Sinikap ng tatlo na iligtas ang kanilang tatlo pang kasama ngunit nabigo sila dahil sa malalim na bahagi ng ilog.