--Ads--

CAUAYAN CITY – Sumuko ang  apat na lider ng New  People’s Army (NPA) sa mga miyembro ng 95th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Gladius Calilan na nakahimpil sa San Mariano, Isabela.

Ang mga sumuko ay sina Alyas Ka Bombo, dating vice commander ng Regional Centro de Gravidad;   alyas  Ka Bunso,  dating platoon commander ng Regional Centro de Gravidad kasama  ang asawa na  si Ka Joan, dating medical officer ng kanilang grupo  at Ka Rommel na dating team leader ng grupo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt. Col. Gladius Calilan, commander  ng 95th IB na sa tulong ng Tactical Operations Group (TOG) 2 ng Philippine Air Force (PAF) na nakahimpil sa Cauayan City na nagsagawa ng leaflets dropping upang himukin ang mga rebeldeng sumuko at sumailalim sa  Enhanced Comprehensive Local Integration Program  (ECLIP) ng pamahalaan ay nagbalik-loob ang apat na lider ng NPA.

Naglakad ang 4 na rebelde mula sa Palanan, Isabela at sinalubong sila ng mga kasama na unang sumuko sa pamahalaan.

--Ads--

Ayon kay Lt Col Calilan, maraming ibinunyag ang mga sumukong rebelde pangunahin na ang pagkakaroon ng hindi pagkakasundo sa loob ng kilusan.

Si Ka Bombo ay noong 1990’s pa sumapi sa NPA at maaaring masugid na tagapakinig ng Bombo Radyo Cauayan kaya napiling gamitin ang alyas  “Ka  Bombo”.  

Ang pahayag ni Lt Col Gladius Calilan.