--Ads--

CAUAYAN CITY Isa ang patay habang nagtamo ng mga sugat sa katawan ang isang magsasaka matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang poste sa Dy-Abra, Tumauini, Isabela.

Ang namatay ay ang angkas ng motorsiklo na si Jomel Corbi, 21 anyos, magsasaka at residente ng Cumabao, Tumauini, Isabela.

Nasugatan naman ang tsuper na si Joel Gonzalez Jr., 20 anyos, binata, magsasaka at residente ng Dy-Abra, Tumauini, Isabela.

Binabagtas ng motorsiklo na sinasakyan ng mga biktima ang daan sa naturang barangay patungong kanlunrang direksyon nang sumalpok ang motosiklo sa isang poste ng barbed wire.

--Ads--

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo si Corbi habang nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Gonzalez.

Naisugod pa ang mga biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ang angkas ng motorsiklo.