
CAUAYAN CITY – Hiniling ng pamahalaang lokal ng Roxas, Isabela sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) na mabago ang quarantine status dahil nais ipatupad ang mahigpit na zoning containment o selective lockdown sa mga apektadong barangay ng CoVID 19.
Ito ay makaraang magtala ng 10 bagong CoVID-19 positive kahapon, August 10, 2020.
Ang sampong CoVID-19 positive ay nananatili sa quarantine facility ng Roxas, Isabela.
Kabilang sa mga CoVID-19 positive si CV432, 23 anyos na health worker, walang travel history at nanatiling asymptomatic habang si CV433 ay 46 anyos na lalaki na galing sa Sampaloc, Manila
Nakaranas naman ng sore throat si CV434 na 38 anyos na babae na walang travel history.
Galing sa Dubai, United Arab Emirates sina CV436, 41 anyos na babae at CV441, 41 anyos na lalaki at kapwa asymptomatic .
Nahawaaan naman nina CV442 at CV443 ang kanilang kapatid na babae na si CV444, 29 anyos na babae na nakaranas ng ubo.
Ang mga menor de edad na kinapitan ng virus ay sina CV 447, 17 anyos at CV448, 13 anyos na kapwa nahawa kay CV347 at pawang asymptomatic.
Sinabi ni Mayor Jonathan Jose “Totep” Calderon ng Roxas, Isabela na ang mga naunang kinapitan ng virus sa kanilang bayan ay sina patient CVC 345, CV 346 at si CV347 na nasa Cagayan Valley Medical Canter (CVMC) at bumubuti na ang kanilang kalagayan.
Sinabi pa ni Mayor Calderon na sa 10 na bagong COVID-19 positive ay walo ang local transmission.










