
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 495 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) region 2 ng pinakamataas na bilang na 66 loob ng iisang araw.
Sa nasabing bilang ay pinakamarami sa Isabela na naitala sa bilang na 49 habang sa Cagayan ay 11, sa Nueva Vicaya ay 4 habang tig-iisa sa Quirino at Santiago City.
Sa Isabela ay naitala ang pinakamataas na bilang sa Roxas, Isabela na 9 na COVID-19 positive, 6 sa Echague, Isabela, 5 sa City of Ilagan at Ramon, tig-aapat sa bayan ng Reina Mercedes at Tumauini, Isabela habang tigdadalawa sa San Pablo at Quirino, Isabela.
Tig-iisa sa mga bayan ng Delfin Albano, Santo Tomas, Santa Maria, San Mateo, Quezon at Naguilian gayundin sa Cauayan Cit at Santiago City.
Sa Cagayan ay naitala ang mga bagong kaso sa Tuguegarao City na dalawa, Sto Ninio na tatlo at tig-iisa sa Camalaniugan, Gattaran, Amulung at Abulug.
Sa Nueva Vizcaya ay naitala ang tatlo sa bayan ng Solano at isa sa Bambang.
Sa lalawigan ng Quirino ay naitala ang kauna-unahang COVID-19 positive sa bayan ng Cabarroguis, 24 anyos na babae na walang kasaysayan ng paglalakbay.
Puspusan na ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive sa region 2.









