
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 506 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) region 2 ang 15 na bagong kaso.
Una si CV492, 46 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nahawa kay CV398.
Ikalawa si CV493, 77 anyos na babae mula sa Santiago City, Overseas Filipino Worker (OFW) na galing sa New York City, USA.
Ikatlo si CV494, 12 anyos na babae mula sa Solana, Cagayan at nahawa kay CV398.
Ikaapat si CV495, 45 anyos na lalaki mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha sina CV392, CV393 at CV394.
Ikalima si CV496, 18 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha sina CV392, CV393 at CV394.
Ikaanim si CV497, 45 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan, nakasalamuha sina CV392, CV393 at CV394 at nakaranas ng sipon at pamamaga ng lalamunan.
Ikapito si CV498, 23 anyos na babae mula sa Tumauini, Isabela at nahawa kay CV469.
Ikawalo si CV499, 42 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan, Locally Stranded ndividual (LSI) na galing sa Maynila at nakaranas ng hirap sa paghinga.
Ikasiyam si CV500, 2 anyos na babae mula sa Aurora, Isabela at galing sa Maynila.
IKasampu si CV501, 38 anyos na lalaki mula sa Quirino, Isabela at nakasalamuha si CV399.
Ikalabing-isa si CV502, 38 anyos na lalaki mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha si CV399.
Ikalabindalawa si CV503, 36 anyos na lalaki mula sa Roxas, Isabela at LSI na galing sa Maynila.
Ikalabintatlo si CV504, 25 anyos na lalaki mula sa Lunsod ng Ilagan at OFW na galing sa Saudi Arabia.
Ikalabing-apat si CV505, 29 anyos na lalaki mula sa Aurora, Isabela, LSI na galing sa Navotas City.
Ikalabinlima si CV506, 51 anyos na babae mula sa Cabagan, Isabela at nakasalamuha sina CV319, CV402 at CV411.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 15 bagong COVID-19 positive sa region 2.









