
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 510 ang COVID-19 positive sa Lambak ng Cagayan matapos na maitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang 4 bagong kaso .
Una si CV507, 43 anyos na babae mula sa Lunsod ng Ilagan, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV393.
Ikalawa si CV508, 18 anyos na lalaki mula sa Tumauini, Isabela, LSI na galing sa Valenzuela City.
Ikatlo si CV509, 36 anyos na lalaki mula sa Lunsod ng Ilagan at nakasalamuha si CV372.
Ikaapat si CV510, 59 anyos na babae mula sa San Mariano, Isabela at LSI na galing sa Tarlac.
Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 4 bagong COVID-19 positive.
Samantala, sa kabuuang bilang ng mga COVID-19 positive sa region 2 ay 286 ang mula sa Isabela.
Sa nasabing bilang ay 1 ang nasawi, 150 ang gumaling na habang 135 ang active cases.
Sa Cagayan ay 187 ang COVID-19 positive, isa ang nasawi, 143 ang gumaling na at 43 ang active cases.
Sa Nueva Vizcaya ay 33 ang COVID-19 positive, isa ang nasawi, 25 ang gumaling na at 7 ang active cases.
Sa Quirino ay isa ang active case.










