--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa ang online necrological service para kay yumaong dating Senador Heherson Alvarez sa umaga ng Sabado, ika-22 ng Agost 2020.

Magugunitang kinapitan ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang mag-asawang Alvarez noong Marso 2020 na naging dahilan ng pagpanaw ng dating senador habang gumaling ang kanyang misis na si  theater legend  Cecile Guidote-Alvarez.

Sa naging  panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay dating Sangguniang Panlunsod Member Hexilon Alvarez ng Santiago City, sinabi niya na ang online necrological service ay inorganiza ng law fraternity para sa yumaong ama na naging kalihim din ng DENR.

Kabilang sa mga magbibigay ng eulogy  sa  online necrological service  sina  dating Chief Justice Reynato Puno, dating Senador Joey Lina at iba pang malapit sa pamilya  Alvarez.

--Ads--
Ang pahayag ni dating Santiago City Councilor Hexilon Alvarez

Sinabi pa ni Ginoong  Alvarez  na balak na iuwi ang abo ng ama sa Santiago City kapag bumalik na sa  normal  ang sitwasyon dahil sa ngayon ay ipinagbabawal pa ng Inter-Agency Task Force ang social gathering.

Inihayag pa ni Ginoong  Alvarez na doble ingat sila ngayon sa kalusugan ng kanyang ina  makaraang gumaling sa COVID-19 at dumadaan sa medical therapy.

Iniiwasan nila ngayon ang physical contact at kapag dinadalaw nila ay nakasuot sila ng personal protective equipment upang maiwasan ang virus.

Ang pahayag ni dating SP Member Hexilon Alvarez.