--Ads--

CAUAYAN CTY – Pitumpung bahagdan  na ang naideklara ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na drug cleared barangay sa region 2.

Sa pinakahuling talaan ng PDEA region 2,  28% ang patuloy pang inaasikaso ng kanilang hanay at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at Local Government Units (LGU’s) hinggil sa kampanya  kontra iligal na droga.

Sa naging panayam ng Bombo  Radyo  Cauayan, inihayag ni Regional Director  Joel Plaza ng PDEA region 2 na kabilang sa mga  tinututukan nila sa kampanya laban sa doga ay ang mas mahigpit  na pakikipag-ugnayan  sa PNP para magkaroon ng high impact operations.

Puntirya sa  kanilang operasyon  ang mga pinagmumulan  ng illegal na droga  at mga High Value Individual (HVI) na kabilang sa kanilang talaan.

--Ads--

Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang LGU kabilang ang  Inter-Agency Committee Against Dangerous Drugs ICAD na may layuning  paigtingin  ang  barangay  drug clearing program.

Sa pamamagitan ng ICAD ay nabuo ang Barangay  Drug Abuse Council (BADAC) na nakatuon sa pagpapatupad  ng drug clearing program sa kanilang lugar.

Isa rin sa binibigyan nila ng pansin ang pagsasagawa ng Drug Free Workplace Program na may layuning  maiwasan ang pagkakasangkot ng mga empleyado ng pamahalaan  sa illegal na droga  at sinabing malaking bagay ang suporta  ng komunidad sa kanilang mga hakbang.

Ang pahayag ni Regional Director  Joel Plaza ng PDEA region 2