--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinayuhan ang mga mamamayan sa California, U.S.A na manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay sa kabila na medyo kontrolado na ang wildfire dahil sa usok na dala ng sunog.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Tess Galamay Shiner, Research Assistant sa School of medicine sa California, sinabi niya na wala na sa kanilang lugar ngayon ang sunog at nasa kabundukan na ito ngayon.

Gayunman ay pinayuhan ang mga tao na manatili lamang sa kanilang bahay, laging maghanda at magsuot ng face mask dahil hindi maganda sa kalusugan ang hangin.

Ayon pa kay Dr. Shiner, bumaba na rin ang temperatura na dati ay umabot sa 106°F nang malapit pa sa mga kabahayan ang apoy.

--Ads--

Dagdag pa nito na nagkakaroon na ng blaze of fire sa buong California na umabot na sa 600.

Dahil dito, marami ng wild animals ang namatay.

Tinig ni Dr. Tess Galamay Shiner, Research Assistant sa School of medicine sa California,U.S.A.