--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa apat ang namatay na COVID-19 positive sa ikalawang rehiyon matapos masawi ang isang ginang sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, sinabi niya na ang namatay na COVID-19 positive ay isang 50 anyos na ginang at market vendor sa riverside sa Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Baggao, na-admit ang pasyente sa CMVC noong linggo at namatay kahapon ng umaga.

Bago ito ay sumakit ang tiyan ng pasyente kaya dinala siya sa isang medical clinic pero pinauwi rin at binigyan ng gamot.

--Ads--

Gayunman ay hindi siya gumaling at dumagdag pa ang pananakit ng kanyang dibdib at hirap sa paghinga kaya siya dinala sa CVMC.

Sinabi ni Dr. Baggao na posible itong kaso ng local transmission dahil walang kasaysayan ng paglalakbay at exposure sa COVID-19 positive.

Ang pananakit ng tiyan ng pasyente ay dulot ng kanyang partial intestinal obstruction at may bukol sa kanyang bituka kaya nagkaroon ng generalized infection.

Kabilang ang mga ito sa ikinukunsiderang dahilan ng kanyang pagkamatay at ang pagpositibo niya sa virus.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.