--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagsasagawa ng Provincial Veterinary Office (PVO) ng culling sa mga baboy  sa ilang bayan sa Isabela na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Veterinary Officer Dr. Angelo Naui, sinabi niya na umabot na sa 1,721 ang isinailalim sa culling sa 8 na bayan sa Isabela.

Kabilang sa mga bayan na marami nang baboy na isinailalim sa culling ang mga baboy ay sa Quezon, Roxas, Aurora, Luna, Mallig, Ramon, Echague at San Mateo, Isabela.

Pinabulaanan ni Dr. Naui ang massive culling sa mga barangay dahil kanilang munang hinihintay ang resulta ng pagsusuri bago sila nagtutungo sa isang lugar upang magsagawa ng culling sa mga baboy na apektado ng ASF.

--Ads--

Aniya, hindi sila basta papasok sa isang barangay kung hindi positibo sa ASF ang resulta ng pagsusuri sa blood samples ng mga baboy.

Ang rekomendasyon ay ibabaon sa lupa ang mga namatay na baboy at hindi ito matatawag na culling kung hindi isinailalim sa pagsusuri.

Ito ay ginagawa upang hindi na kumalat ang ASF sa mga kalapit na lugar at maagapan ang pagkalugi ng mga hog raisers.

Ang pahayag ni Dr. Angelo Naui