--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng pahayag ang pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) region 2 tungkol sa paninisi sa tanggapan may kaugnayan sa pag-apruba ng special permit ng mga Public Utility Vehicle (PUV) na bumibiyahe sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Edward Cabase ng LTFRB region 2, sinabi niya na hindi lamang ang kanilang tanggapan ang  nag-aapruba sa special permit ng mga PUV dahil malaki rin ang bahagi ng mga Local Government Units (LGU’s).

Aniya, madali lamang silang makapagbigay ng special permit subalit kailangang isaalang-alang ang bilang ng mga bus na puwedeng bumiyahe sa isang lugar.

Bukod dito ay nakadepende  sa kalagayan ng bawat bayan at lunsod kaugnay ng pandemya dahil ayaw nilang ito ang mga dahilan ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa ilang lugar.

--Ads--

Sa halip aniya na magsisihan ay magtulungan na lamang.

Ang pahayag ni LTFRB Regional Director Edward Cabase.