--Ads--
CAUAYAN CITY– Isinailalim sa walong araw na calibrated lockdown ang purok dos, barangay Sta Cruz, Alicia, Isabela dahil sa local transmission ng CoVID 19.
Batay sa inilabas na abiso ng pamahalaang lokal ng Alicia, isinailalim hanggang September 6, 2020 sa calibrated lockdown ang nabanggit na purok.
Ang calibrated lockdown ay bunsod ng pagpositibo ng CoVID 19 ni CV765.
Nagkaroon ng ikalawang kaso ng local transmission ng Covid-19 sa bayan ng Alicia makaraang sina CV765 at CV766 ay nagpositibo sa virus matapos makasalamuha si patient CV708 na naitalang unang kaso ng local transmission.
--Ads--
Si patient CV766 ay anak ni CV708 habang si CV765 ay nagsilbing cook sa araw ng kasal ng isa sa mga anak ni CV708 noong ika-18 ng Agosto.











