--Ads--

CAUAYAN CITY– Binuksan na ang turismo sa ground zero ng COVID-19 sa Wuhan City,China

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gng. Chai Roxas, isang OFW sa Wuhan City, sinabi niya na bumalik na sa normal ang naturang lunsod at sa pagbabalik ng klase kahapon, unang araw ng Setyembre ay face to face na.

Dagdag pa niya na wala na ring nagsusuot ng face mask gayunman ay sumusunod pa rin sila sa mga preventive measures para maiwasan ang pagkahawa sa virus gaya na lamang ng palagiang paghuhugas ng kamay.

Kasabay nito ay binuksan na ang turismo para sa mga galing sa labas ng Wuhan City

--Ads--

Sa kabila nito ay may mga restaurants pa ring hindi nagbubukas at marahil ay dahil bumabangon pa lamang sila.

Ayon kay Gng. Roxas, maraming tourist destination sa Wuhan City at napakaganda ang cherry blossom tuwing spring season.

Gayunman, sa mga nagtutungo naman doon na galing sa ibang probinsya ay kailangang magpakita ng medical certificate na nagpapatunay na sila ay negatibo sa virus.

Sa ngayon ay hindi na rin ginagamit ang QR code sa ibang lugar ng naturang lunsod.

Nananatili namang sarado ang wet market na sinasabing pinagmulan ng COVID-19.

Tinig ni Gng. Chai Roxas, OFW sa Wuhan City