--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang sampahan ng kaso ang ilang Chinese national na hinihinalang may-ari ng mga makina at mga kagamitan sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo na luan ng dalawang closed van truck na sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Gelacio Bongat ng NBI region 2, sinabi niya na patuloy ang kanilang imbestigasyon may kaugnayan sa mga narekober na cigarette making machine, BIR stamp at iba pang sangkap sa paggawa ng mga pekeng sigarilyong lulan ng dalawang truck na inabandona sa  likod ng isang establisimiento sa Minante 2, Cauayan city.

Sa ngayon ay naipasakamay na sa Bureau of Customs (BOC) ang apat na cigarette making machine habang nakikipag-ugnayan sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga narekober na BIR stamps.

Nakatakda rin silang maglunsad ng hiwalay na imbestigasyon sa may-ari ng lote kung saan iniwan ang mga delivery truck na naglalaman ng mga kontrabando.

--Ads--

Sakaling mapatunayang may kinalaman ang may-ari ng lote at bigong ipabatid sa mga otoridad ay maaari rin siyang masampahan ng kaso bilang accomplice sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

Ang pahayag ni NBI Regional Director Gelacio Bongat.